Pinoy spikers, humablot ng bronze sa Thailand

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

BUMALIKWAS mula sa dalawang sets na pagkakaiwan ang Rebisco-Philippines at winalis ang huling tatlong frames upang magapi ang Thai-Denmark Saraburi, 22-25, 27-29, 25-18, 25-18, 26-24 para makamit ang bronze medal sa 2019 Thailand Open Sealect Tuna Championships sa Wee Sommay Gymnasium sa Sisakaet kahapon.

Nanganganib na maiwan sa decider, itinabla nina Marck Espejo at Bryan Bagunas ang laban sa 12-all.

Mula doon, naging dikdikan ang laban na na-extend pa hanggang sa maitakas ng mga Pinoy ang tagumpay sa iskor na 26-24.

Nagsimulang humabol ang Nationals sa third frame kasunod ng dikit na kabiguan sa second set sa pamumuno ni Bagunas.

Mula sa third frame, nag takeover naman si Espejo sa fourth set upang makapuwersa ang Rebisco ng fifth set.

Marivic Awitan