What’s next for James Reid?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MALAPIT nang matapos ang Idol Philippines, na isa si James Reid sa judges, with Regine Velasquez, Moira dela Torre, and Vice Ganda.

James

Matatandaang noong nakaraang buwan, binitiwan na ni James ang pagbibida sana niya sa remake ng Pedro Penduko dahil sa spinal injuries.

Ano na kaya ngayon ang balak ng Viva para kay James?

Ang isang confirmed project ng aktor ay ang reunion nila ng girlfriend na si Nadine Lustre sa big screen, via the adaptation of Korean movie Spellbound (2011).

Taong 2018 pa huling nagtambal sa pelikula ang magkasintahan, sa blockbuster na Never Not Love You.

Reunion project nga ito ng JaDine, makaraang unang nagsolo si Nadine sa pelikulang Ulan, na sadly ay hindi matatawag na mega hit sa takilya nang ipalabas nitong Marso ngayong taon.

Muling mapapanood si Nadine, opposite Sam Concepcion, sa dance movie na Indak. Napanood namin online ang trailer, and it shows a lot of promise. Ang sexy dance moves ni Nadine ay tiyak na hahatak ng mga manonood.

Bida rin si Nadine sa another adaptation ng Korean movie, ang Miracle in Cell No. 7, with none other than Aga Muhlach.

We notice na payat ngayon si Aga, hindi tulad noon nang pagtambalin sila ni Bea Alonzo sa First Love, noong Oktubre 2018.

-REMY UMEREZ

  • MochoGarbo

    Since james Reid was with Viva, get the young pretty star from Gma like Pauline Mendoza and do movie project like horroe action comedy.