Muntinlupa, kampeon sa PVF beach volleyball

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

WINALIS ng Muntinlupa Volleyball Club ang PVF-Tanduay Athletics Beach Volleyball U15 & U18  nitong weekend sa Tanduay Athletics Volleyball Center sa Taguig City.

IPINAGKALOOB ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’Cantada ang premyo sa Champion U15 Girls  Muntinlupa Volleyball Club.

IPINAGKALOOB ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’Cantada ang premyo sa Champion U15 Girls Muntinlupa Volleyball Club.

Nakopo ng MVC ang U15 at U18 championships sa boys and girls divisions. Ang coach ng MVC girls team na si Anderson Detablan ay sertipikadong PVF licensed coach matapos sumailalaim sa apat na araw na pagsusuri na isinagawa ng PVF National Coaching Course sa nakalipa sna taon sa Cantada Sports Center sa nakalipas na taon, tampok si  Coach Otie Camangian bilang resource speaker.

Pumangalawa ang Thomas More Academy ng Bacoor, Cavite sa U15 girls division, habang ang University of the Cordilleras sa Baguio City ang runner-Up sa U18 girls division. Sumegunda naman ang Jose Fabella Memorial School ng Mandaluyong City sa U18 boys division at ang Rizal High School ang runner-up sa 15 boys division.

Kabuuang 64 batang atleta ang nakilahok sa torneo (sinamahan sila ngkani-kanilang chaperones bilang under-age) kung saan natikman nila ang organisadong pamamalakad ng PVF sa torneo na libreng isinagawa sa pakikipagtulungan ng Tanduay Athletics at ni volleyball ‘Godfather’ Lucio ‘Bong’ Tang, Jr.

Libre rin ang pagkain sa kabuuan ng torneo mula sa pangangasiwa ni Tita Tonette Cantada, habang nakatanggap ang mga kalahok at bisita ng complimentary Vitamilk Double Choco drink, Nestea at mixed fruit drinks.