EAC Generals, tupok sa Blazers

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Mga laro sa Biyernes

(Filoil Flying V Center)

12:00 n.t. — JRU vs San Beda

2:00 n.h. — Letran vs Arellano

4:00 n.h. — EAC vs Lyceum

UMISKOR ng 19 puntos si James Pasturan, tampok ang limang three-pointer mula sa bench, habang nagposte si Justin Gutang ng 17 puntos at 12 rebounds upang pamunuan ang College of St. Benilde sa 69-66 na pag-ungos sa Emilio Aguinaldo College kahapon sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

NAISALBA ng St. Benilde Blazers ang ratsada ng EAC Generals sa huling minuto ng laro sa NCAA seniors basketball sa FilOil Center sa San Juan. (RIO DELUVIO)

NAISALBA ng St. Benilde Blazers ang ratsada ng EAC Generals sa huling minuto ng laro sa NCAA seniors basketball sa FilOil Center sa San Juan. (RIO DELUVIO)

Mula sa 17 puntos na bentahe sa second quarter, unti-unting nakadikit ang Generals sa kalagitnaan ng payoff period sa ibinabang 17-2 run para tapyasin ang iskor sa 65-67 tungo sa huling dalawang minuto ng laro.

Hindi naman nagitla ang Blazers, naglarong wala sina injured Cameroonian slotman Clement Leutcheu at forward Yankie Haruna, para mapanatili ang diskarte an gang manipis na kalamangan .

“We played well in the first half, but it’s all about consistency,” pahayag ni St.Benilde head coach TY Tang.

Tiniyak nina Gutang at Pasturan ang kanilang panalo sa pamamagitan ng pagbuslo ng tatlo sa huling 6 na iginawad sa kanilang freethrows.

“It’s good to be back. It’s good to have our first official win in three years in the first game of the season,” sambit ni Tang.

Nanguna sa Generals si JP Maguliano na may 18 puntos at 14 rebounds.

-Marivic Awitan

Iskor:

Benilde (69) – Pasturan 19, Gutang 17, Naboa 7, Lepalam 7, Carlos 5, Dixon 4, Nayve 3, Flores 3, Belgica 2, Sangco 2, Young 0

EAC (66) – Maguliano 18, Mendoza 16, Luciano 8, Taywan 6, Tampoc 6, Gonzales 4, Gurtiza 4, Estacio 4, Martin 0, Carlos 0, Corilla 0, Cadua 0, Dayrit 0, De Guzman 0

Quarterscores: 17-12, 37-23, 57-44, 69-66