Ballout Hoops Challenge sa batang Pinoy

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

MATIBAP na pundasyon ang kailangan para makalikha ng tunay na ‘star’ sa basketball.

SINA Ball Out Hoops Founder Cris Bautista at League Commissioner LA Tenorio (kanan)

SINA Ball Out Hoops Founder Cris Bautista at League Commissioner LA Tenorio (kanan)

Ito ang layunin ng iba’t ibang basketball clinics at seminars, ngunit para sa organizers ng Ballout Hoops Challenge – mas epektibo ang liga na batay sa inter-scholastic basketball program – para mahasa ang mga kabataan sa sports ng basketball.

“Napansin lang kasi namin yung 10-under kids, naiiwan. Nahihilig kasi sila sa gadgets. Sa dami kasi ng liga ngayon, like may 19-under o 16-under, nasabi ko sa sarili ko mag focus na lang ako sa 10-under. This way, mabibigyan ng chance yung kids aged 10 and below to showcase their skills at a competitive level,” pahayag ni Cris Bautista, founder of Ballout Hoops Challenge, sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Isinagawa ng Ballout Hoops Challenge ang unang torneo nitong Marso at natapos ang ikalawang season nitong Abril. Para sa ikatlong season, nakatuon ang pansin ni Bautista sa mga batang may edad 10 pababa at istriktong school-based teams. Napili nilang League Commisioner si Barangay Ginebra San Miguel Kings star Lewis Alfred (LA) Tenorio, habang si Bambi Sevilla ang deputy commissioner ng liga. Nakatakdang simulan ang liga sa September 1 sa Blue Eagle Gym sa Ateneo De Manila University grounds sa Quezon City.

Hahatiin ang mga kalahok sa apat na dibisyon: East, West, North at South.

Ang mangunguna sa bawat division ay maghaharap sa single-round format at ang manngungunang dalawa ang maglalaban para sa Ball Out Hoops Grand Champion.

-Brian Yalung