Bagong import sa Paint Masters

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

PINALITAN ng ng Rain or Shine ang kanilang injured import na si Denzel Bowles.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Elasto Painters coach Caloy Garcia kasabay ng pagbabalitang nag-ensayo na rin sa koponan ang bago nilang import na si Carl Montgomery.

Reghistradong may taas na 6-foot-8, ang 30-anyos na si Montgomery ay naglaro ng college basketball sa Chicago State noong 2007- 2011 kung saan sya natala ng average na 17.1 puntos at 7.7 rebounds sa kanyang final year.

Manggagaling si Montgomery para sa JD Unicorns Singapore team na naglalaro sa Malaysia Pro League.

Nagdesisyon ang Rain or Shine na palitan si Bowles makaraan nitong magtamo ng injury sa tuhod.

Inaasahang maglalaro si Montgomery para sa susunod na laro ng Rain or Shine kontra Magnolia sa Miyerkules.

-Marivic Awitan