Pinakamalaking paperball fight, naitala sa Kentucky

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

Inanunsiyo kamakailan ng mga opisyal ng Kentucky city ang tagumpy nilang pagbasag sa Guinness World Record nang 657 katao ang lumahok para sa world’s largest paperball fight.

PAPERBALL

Sa pagbabahagi ng United Press International, idinaos sa Morgantown ang record attempt na bahagi ng taunang Catfish Festival ng lugar.

Agad namang iginawad sa Kentucky ang Guiness world record para sa matagumpay na pagbasag sa naunang record na 283 katao, na naitala ng Canada noong 2015.