Lasing, sumundo ng naaresto sa DUI

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

HACKETTSTOWN, N.J. (AP) — Ibinahagi kamakailan ng mga awtoridad na isang lalaki ang nagmaneho nang lasing patungo sa New Jersey police station upang sunduin ang isang babae na inaresto sa pagmamaneho nang lasing (driving under the influence, DUI).

Ayon sa Hackettstown police, inaresto ang 21-anyos na si Morgan Doran, ng Netcong matapos mahuling nagmamaneho ng nakainom. Dinala siya sa presinto kung saan kinontak nito ang 24-anyos na si Sebastian Rehm, ng Washington Township (Morris County) para sunduin siya.

Ngunit nang dumating sundo ng babae, napansin ng mga pulis na lasing ito. Dahil dito, kapwa kinasuhan ang dalawa.