Geje Eustaquio, kampante sa Team Lakay sa Manila

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

Habang nakikita ni dating ONE Flyweight World Champion Geje “Gravity” Eustaquio nanaghahanda ang mga teammates niya ay kampante siya na magtatagumpay ang Team Lakay sa Manila.

Ang dating ONE Lightweight World Champion Eduard “Landslide” Folayang, dating ONE Featherweight kingpin Honorio “The Rock” Banario, dating world title contender Danny “The King” Kingad at hard-hitting featherweight Edward “The Ferocious” Kelly ay nakahanda nangitaas ang bandila ng Pilipinas sa ONE: DAWN OF HEROES na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Agosto 2.

SI Eustaquio na tumtulong sa paghahanda ng apat ay naniniwala na ang paghihirap at dedikasyon nila ay magiging sapat na upang magtagumpay sila.

“This is one of the toughest competition we have. Big names and their opponents really won’t back down,” sabi ni Eustaquio.

“We enjoy training and we are considering every single detail this time. Coach Mark is very keen on the preparations. He makes sure everyone is healthy and making the right development. The four men are getting excited and hungrier as the competition is about to come.”

“It’s our culture in Team Lakay to sharpen each and every one. Common for us to make each other a champion.”

Si Eustaquio na nanalo sa huli niyang laban noong Abril sa ONE: ENTER THE DRAGON ay iniisip na ang motibasyon ng kanyang teammates na manalo ay magkakaroon ng malaking parte sa kanilang mga magiging laban.

“This is a defining moment for them. I believe they won’t waste this chance. They will come with a complete arsenal and determined to get the victory,” sabi ni Eustaquio.

“We Filipinos are known to be hard workers and dream catchers. They will make us all proud.”

Tinanong si Eustaquio kung ano sa tingin niya ang magiging resulta ng mga laban at hindi na siya nag-isip pa ng matagal.

“Indeed, 4-0.”