4,000 bumuo ng largest human maple leaf

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

Nakuha  ng isang bayan sa Ontario, Canada ang isang Guinness World Record nang mapagtipon nito ang nasa 3,942 katao upang bumuo ng hugis ng pinakamalaking human maple leaf, ulat ng United Press International.

MAPLE

Ayon sa Trenton, ang bayan ng organisa ng event, kinumpirma ng nakasaksing Guinness representative ang matagumpay na pagkatal ng record.

Ayon sa mga organizers hangad sana nila na mahigitan ang record na 5,000, ngunit nasa 3,942 katao lamang ang nakilahok, sapat para mahigitan ang 1,589 katao na naitala noog 2017 sa Grouse Mountain, British Columbia.

Layon naman ng event na makalikom ng pondo para sa Sodider On, isang programa na tumutulong sa mga beterano at mga aktibong militar na makilahok sa mga sports bilang bahagi ng therapy para sa mga may physical injuries at mental illness.