Kilalang aktres at sikat na aktor, sali sa MMFF

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MATUTUPAD n a ang pangarap ng isang kilalang aktres na makatrabaho ang sikat na aktor sa pelikulang isasali sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Tsika sa amin ng aming source, tahimik ang naging negosasyon ng kilalang aktres at ng manager niya sa sikat na aktor, dahil nga pambulaga raw ito sa lahat.

Bukod kasi sa dalawa ay may isa pang aktres, na sikat din, na makakasama rin sa pelikula. Sigurado kami na hindi ito love triangle, dahil malayo ang agwat ng edad ng huli.

Anyway, matagal nang nabanggit ng kilalang aktres na isa sa mga pangarap niyang makatrabaho ang sikat na aktor, pero parang imposible kasi magkaiba sila ng TV network.

Pero posible rin, dahil ang kilalang aktres ay nakagawa na ng pelikula sa major movie outfit na konektado sa network noon, pero hindi na nasundan pa.

Curious kami kung ano ang magiging titulo ng pelikulang ito nina kilalang aktres at sikat na aktor, plus aktres na malaki ang agwat ng edad sa kanila, na kilala rin. At kung ano rin ang kuwento ng pelikula at mga karakter nila.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay ini-imagine namin ang dalawa na may chemistry din naman, dahil parehong marunong sa comedy.

Abangan na lang kung kailan iaanunsiyo ng dalawa ang kanilang gagawing pelikula, dahil maaga pa masyado.

Na k a s i s i g u r o k ami n a makakapasok sa MMFF 2019 ang pelikula nina sikat na aktor at kilalang aktres, at sure rin kaming nasa top 5 sila sa box office.

-Reggee Bonoan