Huwag mong pahabain ang pagtitiis

Filed under Dear Inang Mahal Balita RSS RSS Feed

Dear Manay Gina,

Apat na taon na kaming kasal ng aking mister Okey naman ang aming pagsasama. Nagkaproblema lang ako nitong huli dahil sa pagpasok sa eksena ng dati niyang nobya. Nagkita kasi sila — a month ago– at mula noon, halos puro ang babaeng ‘yon ang laman ng kanyang bibig. Nang tinanong ko siya kung bakit ganoon siya, sinabi niyang, wala lang daw ‘yon pero alam ko namang nagkikita sila at madalas magkausap. Ano kaya ang dapat kong gawin para mahinto na ang kalokohang ito?

Bea

Dear Bea,

Huwag mo nang pahabain ang iyong pagtitiis. Bigyan mo siya ng ultimatum. Tell him to knock it off with the old girlfriend unless he’d like to be free to openly pursue her. Sabihin mo ang iyong nadarama at amining nakakasakit ito ng iyong damdamin.

Mas maging bukas kayo sa komunikasyon para mas nagkakaunawaan. Makakatulong sa inyo ang pagdalo sa mga couples’ seminar upang lalong tumatag ang inyong pagsasama. Higit sa lahat, ipanalangin n’yong dalawa ang lalong ikatatatag ng inyong pamilya.

Nagmamahal,

Manay Gina

“A successful marriage is an edifice that must be rebuilt every day.”—– Andre Maurois

Ipadala ang tanong sa dearmanaygina@yahoo.com

-Gina de Venecia