Vera, Belingon kasama sa ONE: CENTURY

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

Si Kevin “The Silencer” Belingon at Brandon “The Truth” Vera ay ang mga magrerepresenta sa Pilipinas sa ika-100 na event ng ONE: CENTURY sa Oktubre 13 sa Ryogoku Kokugikan, Tokyo, Japan.

Ang ONE Chairman at CEO na si Chatri Sityodtong ay inanunsiyo ito sa kanyang social media noong Linggo ng gabi.

Makakaharap ni Belingon si Bibiano “The Flash” Fernandes sa ikaapat na pagkakataon upang paglabanan ang ONE Bantamweight World Title kung saan ang kanilang ikatlong laban ay nauwi sa disqualification win para sa Brazilian.

Si Vera naman ay makukuha ang kanyang dream match.

Ang ONE Heavyweight World Champion ay makakatapat ang two-division World Titlist Aung La N Sang para sa ONE Light Heavyweight World Title.

“ONE Championship will be celebrating its 100th show by throwing the biggest event in history (yet again) on October in Tokyo,” sabi ni Sityodtong.

Si ONE Women’s Atomweight World Champion Angela “Unstoppable” Lee ay makakalaban ulit ang ONE Strawweight World Champion na si “The Panda” Xiong Jing Nan upang kunina ang kanyang belt.

Kapag naging maganda ang resulta para sa Team Lakay, hindi lang si Belingon ang magrerepresenta sa Pilipinas sa event.

Makakalaban ni Danny “The King” Kingad si Kairat “The Kazakh” Akhmetov sa semifinals ng Flyweight tournament habang si Honorio “The Rock” Banario ay makakaharap si Timofey Nastyukhin sa semis ng Lightweight Grand Prix.

Kapag pareho silang sa ONE: DAWN OF HEROES ngayong Agosto ay makakasama sila sa century-mark show ngThe Home Of Martial Arts

“I plan to add a few more megabouts to ONE: Century,” dagdag ni Sityodtong.

The ONE Super Series World Grand Prix Finals will also be on the event, while local Japanese fans will be up for a treat as Shooto and Pancrase World Champions will also be slated to compete.

Ang ONE Super Series World Grand Prix Finals ay andun din sa event habang ang mga local Japanese fans ay mapapanood ding lalaban ang mga Shooto at Pancrase World Champions