Paul Jake, chill lang sa basher ng anak

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PINURI ng netizens ang naging reaksyon ni Paul Jake Castillo sa bashers ng anak nila ni Kaye Abad na tinawag na pangit ng trolls.

Pio Joaquin at Jake

Sa halip na magalit at awayin ang nam-bash sa walang malay na anak, ay sinagot niya ito ng, “hahaha. Well that’s your own opinion. Hahaha. Kita kits.”

Ipinagtanggol naman ng followers ni Jake ang bata, sinabihan ang basher na hindi lang pangit ang mukha, pangit din ang ugali dahil pati bata pinatulan.

Tinawag din ang basher na insensitive, bastos at demonyo. Sinabihan pa na siguro malungkot ang buhay nito at walang nagmamahal sa kanya, kaya pati bata ay pinatulan.

Isa pang ikinabilib ng netizens kay Jake, hindi na nga inaway ang basher ng anak, ay hindi rin binura ang post niya na kasama ang anak.

-Nitz Miralles