Song Joong-ki, nag-file ng divorce kay Song Hye-kyo

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAGDIDIBORSYO na tanyag na South Korean couple na sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo, na mga bida sa Descendants of the Sun.

SONG JOONG-KI

Ibinalita ng South Korean entertainment website, ang All K-Pop, ang plano ng couple na wakasan na ang kanilang pagsasama.
Nag-file ng divorce si Song Joong-ki laban sa aktres sa Seoul Family Court nitong June 26.

“First, I want to deliver my apologies to many of you who love and cherish me, for such unfortunate news. I have decided to move forward in a divorce with Song Hye Kyo,” lahad ni Joong-ki sa inilabas na statement sa pamamagitan ng kanyang legal representative.

“Rather than lengthening the process by considering each other’s faults and deriding each other, I hope to complete the divorce amicably,” dagdag pa ng aktor.

Hindi naman isiniwalat ni Joong-ki ang detalye kung bakit nagdesisyon siyang makipaghiwalay kay Hye-kyo.

“I promise to overcome these damages and do my best as an actor in my production roles from now on,” pagtatapos niya.

Nagpakasal ang dalawa, na mas kilala bilang “Song Song” couple, noong on October 31, 2017 sa isang magarang seremonya sa The Shilla Hotel sa Seoul.

Sinorpresa ng couple ang mga katrabaho at fans nang kanilang ianunsiyo plano nilang pagpapakasal noong July 5, 2017. Naging magkasintahan ang dalawa nang magtambal sa hit 2016 drama na Descendants of the Sun.

Ang kasal nila ay dinaluhan ng aabot sa 300 katao.

-Noreen Jazul at Jonathan Hicap