Maine, si Carlo ang kasama sa Star Cinema movie

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Kung may Kathryn si Alden, may Carlo naman si Maine!

Maine Mendoza at Carlo Aquino

Maine Mendoza at Carlo Aquino

Hindi pa man naipapalabas ang pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, na idinirek ni Cathy Garcia Molina for Black Sheep at Star Cinema, heto at may storycon na ang pelikulang pagsasamahan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza.

Si Prime Cruz naman ang direktor ng pelikula, na may titulong Isa Pa With Feelings.

Base sa mga litratong ipinost ng Star Cinema Adprom head na si Mico del Rosario, kasama ni Maine ang kanyang manager na si Rams David at ang APT Entertainment executives na sina Ms Camille Montano at Direk Michael Tuviera.

At sa panig naman ng ABS-CBN Films, present naman sina Ms Olive Lamasan, Kris Gazmen, at iba pang creative ng nasabing movie outfit. Ang caption ng group picture: “Collaboration inclusion”.

Base sa nalaman naming tsika, co-producer ang APT Entertainment sa ABS-CBN Films, since isa si Maine sa lead stars.

Ito ang kundisyon ng APT Entertainment, na kapag artista nila ang bida ay automatic na co-producer sila.

Ganito rin ang style ng IdeaFirst Company, na kapag direktor nila ang magdidirek ng pelikula ay automatic na line producer sila. Pero sa Isa Pa With Feelings, maski si Direk Prime ay talent ng nasabing kumpanya, ay ipinaubaya nila ito sa APT Entertainment.

Ang daming nag-like kaagad sa project na ito nina Carlo at Maine, at tuwang-tuwa ang mga supporters ng dalaga dahil gagawa ng pelikula sa Star Cinema ang idolo nila.

Hmm, hayan, hindi lang si Alden ang nasa Star Cinema na, huh!

-Reggee Bonoan