Labanan sa House Speakership, nagsimula na

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Nagsimula nang maggirian sa pagka-House Speaker sina Representatives Lord Allan Velasco (PDP-Laban, Marinduque) at Martin Romualdez (Lakas, Leyte).

SPEAKER
Ito ay matapos magpasya ang PDP-Laban na ilaban si Velasco sa pagka-Speaker dahil sa hawak nilang 84 na miyembro sa mababang kapulungan kasunod na rin ng pag-urong ng isa sa kalaban nito sa posisyon na si Pampanga Rep. Aurelio Gonzales.

Bukod dito, tumanggap din si Velasco ng suporta nina 1Pacman Partylist Rep. Michael Romero, pangulo ng Parytlist Coalition Foundation Inc., ng Nationalist People’s Coalition na kinakatawan ni Michael John Duavit ng Rizal at Wesley Gatchalian  ng Valenzuela City, at Kristine Singson Meehan, na kumakatawan naman sa Northern Luzon Alliance.

Ito ang inihayag ni PDP-Laban campaign manager Senator Emmanuel Pacquiao sa isang teleconference sa Quezon Cirty, kahapon.

Nilinaw ni Pacquiao, ito aniya ang napagkasunduan ng kanilang partido at sinabing kasama rin sa nagbigay ng suporta kay Velasco ang kanilang president na si Aquilino “Koo” Pimentel III.

Aabot naman sa 40 kongresista ang nagpulong sa isang hotel sa Quezon City na nagdeklara ng kanilang pagsuporta kay Romualdez.

Gayunman, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang kanilang party chairman na si Pangulong Rdorig;o Duterte.

Dati na aniyang binigyan ng pangulo ng go-signal ang partido na maglabas ng kanilang desisyon sa usapin.

“Sa tingin ko maganda ‘yong bata ang Speaker natin at then maaasahan din para sa welfare of the Filipino people. Na itong last three years ng ating Pangulo, ‘yong magandang panukala para sa bayan, para sa mamamayang Pilipino, walang magiging problema,” sabi pa nito.

Bukod kina Velasco, pinag-aaralan din ng partido na i-nominate si dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Kaugnay nito, nanindigan ang Malakanyang na hindi makikialam sa usapin.

Paglilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais na lamang ni Duterte na tumuon na lamang sa pagpapatakbo ng pamahalaan kaysa sumawsaw pa sa internal problem ng co-equal branches ng pamahalaan.

Inilabas ni Panelo ang pahayag nang iendorso ng PDP-Laban si Velasco para sa naturang posisyon.

“The Chief Executive would rather focus on the business of governance rather than play politics and ruffle the feelings of those outside of his preferred choice. The latter is simply not the character and style of the Chief Executive,” ayon kay Panelo.

Ang bagong Speaker ay ihahalal sa Hulyo sa pagbubukas ng 18th Congress.

Inihayag naman ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na sinusuportahan nito ang naging desisyon ng partido gawing Speaker si Velasco.

Pinasinungalingan din ni Pimentel ang alegasyon ni Albay Rep. Joey Salceda na hindi kinonsulta ang mga miyembro ng partido sa kanilang pagpili kay Velasco.

“Not true, napakadami na ngang consultative meetings. He may not have been attending them,” pahayag ni Pimentel.

Nauna nang inihayag ni Albay Rep. Joey Salceda na suportado nito si Romualdez para maging Speaker.

“Rep. Romualdez’s decision to join the Speakership derby is a welcome development as far as the country’s economic managers and business leaders are concerned. Rep. Romualdez as Speaker is good for the economy,” sabi pa ni Salceda.

-Ben R. Rosario, Vanne Elaine P. Terrazola, at Argyll Cyrus B. Geducos