Jerry Olsim bilang Next Star ng Team Lakay

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

May bagong star ang Team Lakay.

Si Jerry “The Bokodian Warrior” Olsim ay patuloy na nagpapakitang gilas sa Rich Franklin’s ONE Warrior Series. Hindi pa siya natatalo sa lahat ng anim niyang laban.

Pinabilib niya ang lahat sa huli niyang laban nang manalo siya sa isang unanimous decision laban kay Myeong Gu Kim ng South Korea sa OWS 6 noong Huwebes, Hunyo 20 sa Singapore.

Nabigyan silang dalawa ng ‘Warrior Bonus’ para sa ipinakita nilang magandang laban sa co-main event.

Sa patuloy na paggaling ni Olsim ay naniniwala si Team Lakay head coach Mark Sangiao na nakikita na niyang ang hinaharap para kay Olsim.

“First and foremost, I congratulated him for a job well done and a great display of athleticism. Then I told him to just keep on training,” sabi ni Sangiao.

“Considering that he’s fairly young, I know he’ll go places. He is a star in the making. He’ll be a star in ONE if he continues striving.”

Hindi nga lang nakuha ni Olsim ang kontrata para sa main event dahil napunta ito sa Mongolian knockout artist Shinechagtga Zoltsetseg at napatumba si Hyunjin Lee.

“As they say, if you want to be the best, you have to train with the best. This is a huge development for Jerry,” sabi ni Sangiao.

“I always remind him that the key to being a champion is training, training, and training. That should be every day so he can work on his weaknesses.”

-ONE Championship