Globe, umayuda sa cerebral palsy

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

KULANG man sa abilidad sa kaamyuham, ngunit may sapat nakakayahan ang mga atletang dumaranas ng cerebral palsy (CP). At muli, pinatunayan nila ito sa kanilang pagsabak sa football tournament ng Globe.

MASAYANG sumabak sa football game ang mga batang may cerebral palsy sa programa na itinataguyod ng Globe.

MASAYANG sumabak sa football game ang mga batang may cerebral palsy sa programa na itinataguyod ng Globe.

 “Sabi ng mga nanay na isama ko daw yung anak ko (sa football practice) at subukan lang. Tapos nagulat na lang ako na nasisipa niya yung bola. Hindi ko ine-expect na magagawa niya yun dahil di naman siya involved sa kahit anong sport dati. Sabi ko tuloy na dapat pala dati ko na siyang sinasali sa mga ganito ,” pahayag ni Marinela S. Kaabay, kung saan kabilang ng kanyang anak sa ispesyal na gawain.

Magkakasama ang mga batang may karamdaman na CP sa 1st CP Football Day  na ginanap sa

La Salle Greenhills sa Mandaluyong City.

Kabuuang 50 CP individuals, kabilang ang anak ni Kaabay.

Layunin ng organizers ng 1st CP Football Day na matulungan ang mga batang may CP na makisalamuha sa isat’s isa  batay sa tambalan ng Globe Telecom at  Henry V. Moran Foundation, the Philippine Sports Association of the Differently Abled (PHILSPADA), at  CP Football Philippines,.

Ipinagkakaloob ng Globe sa foundation ang mga gastusin para sa banasa

 “We want to use the power of sports to make a difference in the lives of individuals especially those who belong to the marginalized sectors of society.  Over the past several years, Globe has gone beyond business by offering basketball and football development programs to underprivileged kids.  This time, we want to extend our support to individuals with cerebral palsy and help them pursue their dreams,” ayon kay Miiguel Bermundo, Head of Globe Citizenship and Advocacy.