Bianca, binatikos, maka-Marcos?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY mga hindi nagustuhan ang sa pagpi-feature kay Bianca Umali sa Stail.Ph na ang ayos ng aktres ay parang si former First Lady Imelda Marcos. May title na The Embellished Life ang feature kay Bianca at kasunod ang post about the issue.

Bianca copy

“This issue is a reimagining of all things Imelda—her love for beauty and eye for fashion. Sure, you can say a bunch of things about her but you can’t deny her impeccable taste in style. We want to imagine ourselves as beautiful people. There’s nothing wrong with wanting to be beautiful, it’s a natural thing. What is wrong is obsessing over wanting to be who we are not and who we can never be.

“This is the Embellished Life. An Icon Reimagined.”

May nagtanong kay Bianca kung bakit niya tinanggap ang campaign glorifying “a Marcos?” May mga nagpahayag pa ng pagkadismaya sa aktres na sinusubaybayan daw niya sa Sahaya.

Pero hindi naman lahat ay na-disappoint dahil marami pa rin ang nagandahan sa concept at lumabas ang classic na ganda ni Bianca. May nag-akala pa ngang si Pia Wurtzbach ang nasa cover.

Wala pang comment dito si Bianca na siguro naman, ay walang nakitang masama sa pagku-cover niya sa Stail Ph. Part lang ito ng trabaho at walang personalan. Pero tiyak na matatanong pa rin si Bianca tungkol dito sa nalalapit na presscon ng pelikulang Family History.

Showing na kasi ang movie nina Michael V at Dawn Zulueta sa July 24 kung saan ginagampanan ni Bianca ang role ng anak nina John Estrada at Ina Feleo.

Napapanood pa rin si Bianca sa Sahaya at pinupuri ang ganda at acting skills niya. Madalas na walang make-up sa mga eksena ang aktres kaya litaw na litaw ang natural beauty niya.

-Nitz Miralles