Abu Sayyaf, dudurugin ng militar — spox

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Kumpiyansa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines(AFP) na magagampanan ni incoming Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang misyong pulbusin ang Abu Sayyaf Group (ASG).

ABU SAYYAF

Sa pahayag ni AFP-Public Affairs Office chief,  Col. Noel Detoyato, ang performance ni Sobejana bilang kasalukuyang Commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang makapagpapatunay ng galing at husay nito sa pamumuno.

Aniya, kabisado rin ni Detoyato ang buong Western Mindanao dahil dati na itong nagsilbi bilang Brigade Commander kung saan niya nakuha ang Medal of Valor.

Sa panig naman ni Sobejana, nangako ito na gagawin ang lahat upang matupad ang mandato ng Pangulo na pulbusin ng tuluyan ang Abu Sayaf bago matapos ang taon.

Papalitan ni Sobejana si Lt. Gen. Arnel dela Vega na nakatakda nang bumaba bilang Commander ng Wesmincom sa Hunyo 28,

habang hahali naman kay Sobejana ang mistah nito sa PMA Class of 1987 na si General Diosdado Carreon bilang commander ng 6th Infantry Battalion (ID).

-Fer Taboy