ABS-CBN visit, ‘medyo surreal’ kay Alden

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PARA lalong paigtingin ang promo para sa pelikulang Hello Love, Goodbye, binisita ng Kapuso actor na siAlden Richards ang opisina ng Star Cinema located at ABS-CBN compound, nitong Martes, June 25.

ALDEN

Sa kanyang pagbisita sa Kapamilya network, sinamahan si Alden ni Kathryn Bernardo, ang kanyang katambal sa Hello, Love, Goodbye.

Personal na sinalubong at sinamahan ng aktres si Alden sa kanyang saglit na tour sa ABS-CBN compound.

Sa panayam sa Kapuso actor, sinabi niyang ito ang kauna-unahan niyang pagtuntong sa bakuran ng ABS-CBN.

Say ng aktor, “Medyo surreal na nandito ako ngayon. Nandito kami ni Kath to shoot video plugs and ‘yung mga digital shoot.”

Nagkaroon ng photo op ang dalawa kasabay ng inihandang intimate lunch with Star Cinema Managing Director Olivia M. Lamasan.

Matatandaang nag-trending at umani ng million views ang first teaser para sa movie nina Alden at Kathryn na inilabas last June 14.

Nasa Bangkok, Thailand ngayon ang Hello, Love, Goodbye director na si Cathy Garcia-Molina para sa post-production ng pelikula na kinunan pa sa Hong Kong, and due for release in cinemas on July 31.

-Ador V. Saluta