Aktor na user at feeling guwapo, wa’ nang career

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI pa rin nakaka-move on ang so-so actor, na produkto ng reality show, sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-girlfriend, dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya seryoso sa kanyang career.

Kuwento sa amin ng ilang taong malapit sa so-so actor at sa ex-girlfriend niya, “Ginamit niya (aktor) kasi si (ex-girlfriend), kasi nga mas sikat sa kanya at bagay silang love team.

“Pero in the end, nagsawa at naghiwalay sila kasi may ibang nakitang girl.

“Kaso hindi naman nagtagal si girl at itong si (so-so actor), dahil hindi naman sila nagkatulungan sa mga careers nila.

“Ang totoo, mahal ni so-so actor, at na-realize niya nu’ng wala na sila. Kaso hindi niya maamin sa sarili kasi nga feeling guwapo oras-oras.”

As of now ay masaya na ang ex-girlfriend sa bago niyang karelasyon, na katuwang pa sa negosyo nila, at may ilang projects pa rin naman sa showbiz.

Samantalang si so-so actor, hayun at walang project. Puro lang siya audition, pero waley naman. Kaya ang ending, bumalik siya sa pinanggalinggan niya.

“Saka, hello, wala namang acting si (so-so actor)! Bigay na bigay na ‘yung partner niya dati sa movie, tuod pa rin,” sabi pa ng taong malapit sa aktor.

-Reggee Bonoan