Kagawad, tepok sa pananambang

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Napatay ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang lalaki habang ipinagdriwang ang kapistahan sa Esperanza, Masbate, nitong Linggo ng gabi.

KAGAWAD(2)

Sa pahayag ng tagapagsalita ng Bicol Regional Police Office na si Maj. Luisa Calubaquib, nakilala ang biktima na si Domingo Barotil, 47, kagawad ng Puting Bato, sa naturang bayan.

Sa inisyal na report, ang insidente ay naganap hindi kalayuan sa kanilang bahay, dakong 10:30 ng gabi.

Binibisita umano ng biktima ang mga kalugar nito hindi kalayuan sa kanilang bahay dahil sa kapiyestahan.

Gayunman, pinagbabaril ito ng mga hindi nakikilalang lalaki na nagresulta sa pagkasawi nito.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika ang krimen.

-Fer Taboy