Pagkabuwag ng love team, desisyon ng baguhang aktres

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MASAMA pala ang loob ng baguhang aktres sa katambal niyang baguhang aktor din, na nakasama niya sa isang teleserye.

Na h a l a t a r aw k a s i n g baguhang aktres na sinasakyan lang siya ng partner niyang baguhang aktor kapag nasa harap sila ng camera at kapag may mall shows, dahil ang dami nilang fans, as in to the max.

Pero kapag off-cam ay hindi na raw gaanong pinapansin ng baguhang aktor ang kapartner niyang baguhang aktres, at mas gusto pa raw nitong kalikutin ang cell phone niya.

‘Pag kailangan na uling magsama ng dalawa ay saka lang lalapit ang baguhang aktor na kunwari ay maganda ang ngiti.

Hindi pa showbi z ang baguhang aktres, at sa katunayan ay taklesa siya kapag ini-interview ng media, dahil kung anu-ano ang nasasabi niya.

At dahil wala nang project ang dalawa ay dedma na rin ang baguhang aktor sa baguhang aktres. Pero dahil may kapit sa management ng network ang manager ng una, may mga project siyang hindi na kasama ang baguhang aktres.

Kaya nagdesisyon na ang baguhang aktres na tuluyan nang iwasan ang baguhang aktor, bagay na ikinagulat naman ng huli dahil tinatanong siya ng media at fans kung anong nangyari sa partnership nila.

-Reggee Bonoan