Nagpalit ng FB password, nilamog

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Bugbog-sarado ang isang 25-anyos na babae nang tumangging ibalik ang dati nitong password sa Facebook, na ikinagalit ng kanyang kabarangay sa Barangay San Isidro, La Paz, Tarlac, nitong Biyernes ng madaling araw.

Ini-report ito sa awtoridad ng biktima na si alyas Berna, habang ang suspek naman ay si Jeffrey Reyes, 38, kapwa ng nasabing bayan.
Napag-alaman na nagtalo ang dalawa dahil binago umano ni Berna ang kanyang password, na malimit umanong gamitin ni Reyes.
Dahil dito, nilamog ni Reyes si Berna.
Nakadetine ang suspek at kinasuhan sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Law).

Leandro Alborote