Hindi sumasagot sa CP, pinagsasaksak

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Pinagsasaksak ng buriki ang isang ginang nang mairita ang kabarangay nito sa hindi nito pagsagot sa cell phone, sa Sitio Mait, Barangay San Isidro, La Paz, Tarlac, nitong Biyernes.

Si Marites Samonte, 38, ay nagtamo ng mga saksak sa katawan at patuloy na ginagamot sa La Paz Medicare and Community Hospital.
Tinutugis naman si June Remegio, nasa hustong gulang, ng Bgy. San Isidro, La Paz, Tarlac.
Una rito, inimbita ni Remegio si Samonte sa bahay ng kanyang tiyuhin sa Sitio Mait, at nag-inuman kasama ang ilang kaibigan.
Nag-uwian na ang lahat at tinawagan ni Remegio si Samonte, ngunit hindi sinagot. Paulit-ulit umanong tinawagan ng suspek ang biktima hanggang sa sumagot at pinalabas sa bahay.
Habang papalapit umano ang biktima sa suspek ay pinagsasaksak ito ng buriki.

Leandro Alborote