Tree-planting sa Iloilo ngayong Sabado

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

INAASAHANG halos 1,000 volunteers ang makikiisa sa gaganaping tree-planting activity ng probinsiyal na pamahalaan ng Iloilo ngayong Sabado, Hunyo 22.

Sa pagbabahagi ni Lawyer Arturo Cangrejo, officer-in-charge ng Provincial Environment and Natural Resources (PENRO), sinabi nitong ang idaraos na tree-planting activity sa komunidad ng Pangilihan, Janiuay ay bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Arbor Day tuwing ika-25 ng Hunyo.

“We propose to plant 7,500 seedlings, including forest trees and fruit-bearing trees, such as cacao, duhat (Java plum), and jackfruit,” pahayag ni Cangrejo sa isang panayam nitong Martes.

Nanawagan naman si Cangrejo sa lahat ng mga katuwang na sektor, ahensiya at mga mamamayan ng Iloilo na makilahok din sa aktibidad na isasagawa.

Pinaalalahanan din niya ang mga makikiisa na magdala ng tubig ngunit inirekomenda niya na huwag gumamit ng mga single-use water plastic bottles.

“We advise them to bring their own water bottle. The PENRO will provide water to refill their containers,”aniya.

Dagdag pa dito, hinikayat din niya ang mga lalahok sa programa na magsuot ng tamang kasuotan para sa aktibidad.

Magtatagpo, aniya, ang mga kalahok sa Ceres Motorpool, Dungon B village sa lungsod na ito ng distrito ng Jaro.

Taunang ipinagdiriwang ang Philippine Arbor Day upang maisulong ang mas malusog na ecosystem.

Isinasaad sa Proclamation No. 396 ang “active participation of all government agencies, including government-owned and -controlled corporations, private sector, schools, civil society groups, and the citizenry in the tree-planting activity.”

PNA