Pauline, friend lang si Joshua: ‘Di ko kailangan ng love life

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NILINAW ni Pauline Mendoza ang pagkaka-link niya ngayon kay Joshua Garcia, ilang months makaraang pumutok ang mga espekulasyon na break na ang aktor sa reel-and-real love na si Julia Barretto.

Sa Q&A namin kay Pauline, sinabi niyang magkaibigan lang sila ni Joshua, na nakilala raw ng young actress sa pamamagitan ng common friend.

Paano nga ba sila na-link ni Joshua? “Hindi naman link talaga. Meron kasi kaming fan, na supporter ko, supporter niya rin. Admin ko, admin niya rin,” paliwanag ni Pauline.

“Tapos nag-birthday ako, may natanggap akong video greet from him. Hindi naman romantically link.”

P a a n o k u n g l i g a w a n siya ng Kapamilya actor? “Career muna, Tita,” natawang sagot niya.

In a relationship ba siya ngayon? “Single. Single ang status ko. Not in a relationship to anybody. I’m only 19.”

Sa nasabing interview, sinabi ni Pauline na wala pa sa plano niya sa ngayon ang mag-boyfriend.

“Ayoko muna,” ani Pauline.

Eh, paano ‘yung mga natsitsismis sa kanya, like co-Kapuso actor Jeric Gonzalez?

“Ay, wala yon. Tsika lang ‘yun. Ako na lang. Sarili ko na lang ang dyodyowain ko,” sabi, na sinundan ng tawa. “Focus na lang muna ako sa showbiz career ko, sa studies.”

Open ba siyang gumawa ng pelikula sa ibang film productions?

“Puwede po. Sana. Sana puwede, and I’m hoping na magkaroon ako ng movie soon.

Sino naman ang gusto niyang makapareha sa pelikula? “Kahit sino naman, Tita, okay sa akin. Okay lang din kahit hindi ko ka-age. Like Ian Veneracion.

“Mahirap mamili, Tita. Kahit sino na lang. Mahirap naman maging choosy. Joshua Garcia…ay, ayaw ni JB, joke,” sabing natatawa.

Ano ang susunod na projects ni Pauline after ng Cain at Abel at Kambal Karibal?

“Last Saturday, sa Wish Ko Lang nag-taping ako. Sobrang ganda ng role ko dun. Sa ngayon, pulos guesting lang like sa Dear Uge. But sa ngayon, meron akong gagawin akong teleserye, pero secret pa muna ‘yon.

Ano pa ba ang wish ni Pauline sa showbiz career niya?

“Ang wish ko lang, magtuluy-tuloy lang,” sabi ni Pauline. “In fairess, hindi naman ako nawawalan ng work or project sa GMA Network.

“Malapit na rin akong mag-launch nang isang beauty product as their new endorser. Happy naman ako so far. Sobra. At hindi na muna kailangan ang love life.

So hindi talaga sila ni Joshua?

“No. Friends lang talaga.”

Friends in love?

Halakhak lang ang sagot ni Pauline.

K, noted!

-MERCY LEJARDE

  • MochoGarbo

    so whata you can say. Pauline stille single not in relationship. can we see now the recent photo of Pauline and Joshua. Is that real???