Aaron, umaming naging priority ang lovelife kaysa pamilya

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KAUGNAY ng promo ng pinag-uusapang movie na Clarita, starring Jodi Sta. Maria, Aaron Villaflor at iba pa, kamakailan ay naging panauhin sa Magandang Buhay ang Star Awards’ Best Supporting Actor for Television (2018) at dating Star Circle Quest semi-finalist.

Aaron copy

“Very peaceful ang puso ko ngayon,” sagot ni Aaron nang kumustahin ng momshie-hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, ang estado ng love life niya ngayon.

Sa nasabing episode ng Magandang Buhay, ibinahagi ng aktor ang mga natutunan niya mula sa mga nakaraang relasyon.

“During nu’ng mga naka-relasyon ko, or exes ko before, natutunan ko siguro—how to handle time properly, time for my family, for myself.

“Aaminin ko, may one time na mas priority ko ‘yung [love life] kaysa sa family ko. So medyo nagtampo rin sila sa akin. Pero ngayon okay na,” paliwanag ni Arron na naging tahimik sa pagbibigay ng pangalan tungkol sa mga artistang naka-relasyon niya.

Taong 2017 nang huling mapabalitang exclusive na nakikipag-date si Arron kay Jane De Leon, former member ng Girltrends. Hindi nagtagal ay naghiwalay din ng landas ang dalawa.

Inakala di n ng marami na may relasyon sila ng It’s Showtime GT na si Dawn Chang, subalit pinabulaanan ng dalawa na may “something” sa kanila. Magkasama sa Umagang Kay Ganda sina Aaron at Dawn bilang field segment reporter at bukod doon, magkaibigan lamang daw ang dalawa. Isa pa, may bagong boyfriend ngayon si Dawn.

Bukod sa tamang pagbalanse ng oras, naging aral din daw kay Aaron ang maayos na komunikasyon sa mga naging nobya niya.

“Importante siguro na mag-adjust kayo on both sides. Kasi hindi naman laging lalake, o ‘yung babae. Mas maganda na nagmi-meet kayo halfway lagi,” dagdag niya.

Sa kabila ng pagiging single, nananatili namang masaya ang aktor lalo na ngayon na maganda ang nangyayari sa kanyang career.

“Nakakatuwa kasi ‘yung mga nangyayari sa akin ngayon, sobrang balanse lahat,” pagpapatuloy niya.

Maaalalang kamakailan ay nanalo ng Best Supporting Actor Award si Aaron sa nakaraang Cinema One Originals Film Festival para sa kanyang pagganap sa Mamu: And a Mother Too. Naging nominado rin siya para sa parehong pelikula sa FAMAS na ginanap kamakailan.

K a s a l u k u y a n p a r i n g mapapanood sa mga sinehan ang pelikulang Clarita, kung saa’y isang pari ang role ni Aaron at pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria.

-Ador V. Saluta