Dagdag proteksyon sa atletang Pinoy

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

PINAGTIBAY ng Kamara ang panukalang naglalayong protektahan ang karapatan ng mga atleta na magsilbi sa Pilipinas bilang bahagi ng national team.

Ang HB 9210 (“Athletes’ Right To Represent The Philippines Act”) na inakda ni Rep. Cristina “Chiqui” Roa-Puno (1st District, Antipolo City), ay nagtatadhana na ang karapatan para katawanin ang bansa ay dapat na matamo ng lahat ng atletang Pilipino, kabilang ang mula sa “athletic association, sports organization or club, whether amateur, semi-professional or professional.”

Isinasaad na dapat bigyan ng prioridad ng Estado ang sports upang maisulong ang patriotismo at nasyonalismo, mapalakas ang progresong sosyal, at ma-promote ang total human liberation and development.

Inoobliga ang mga employer, educational institutions, athletic associations, sports organizations at clubs, “whether amateur, semi-professional or professional, and their officials to allow an athlete to try out, train, participate or represent the country in international sports competitions. “

-Bert de Guzman