Project nina Bea at Lloydie, isini-secret

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

KUMPIRMADONG nagbabalik na ulit sa limelight ang aktor na si John Lloyd Cruz base na rin sa naka-post na video sa Instagram account na johnlloydcruztm.

John Lloyd_PLEASE CROP

Sa video, nakaupo silang magkaharap ni Bea Alonzo sa isang maliit na puting mesa, na pawang puno at halaman ang nasa paligid at binibigyan sila ng instruction ng director.

Base naman sa mga kuha, maraming nagsabing sa El Nido beach ito sa Palawan.

Makikita ring nakasakay sa yate ang dalawang artista at may nilalarong Husky si John Lloyd, kasama ang production team.

May tinanungan kaming tao na malapit kina John Lloyd at Bea kung anong project itong sinu-shoot ng dalawa.

“Confidential po,” sagot sa amin.

Humirit pa kami kung pelikula o commercial ito.

“Confi po talaga, pasensya na po,” sabi ulit sa amin.

Muli naming pinanood ang naka-post na video, at inisa-isa naming tiningnan ang production team na hindi pamilyar sa amin. Pati ang nagbibigay ng instruction. Kaya pakiwari namin ay shooting ito ng TVC dahil konti lang ang tao at higit sa lahat, maliit lang ang mesang ginamit na props.

Anyway, nagbubunyi naman ang supporters nina Bea at Lloydie, na muli silang makikitang magkasama. Sana raw ay muli silang makagawa ng pelikula ang dalawa lalo na dahil matagal na ang huli nilang pelikulang A Second Chance noong 2015.

Kelan nga kaya ulit ang reunion movie nina Popoy at Basha?

-REGGEE BONOAN