Baby, nalunod sa timbang may oxalic acid

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Bangkay na nang datnan ng kanyang magulang ang anim na buwang baby girl sa loob ng timba sa Libertad Public Market sa Barangay 40 sa Bacolod City, nitong Lunes.

BABY_ONLINENalunod si Lianna Mae Alora sa timba ng tubig na may oxalic acid nang mahulog mula sa tindahan, kung saan siya natutulog kasama ang kanyang magulang.
Ayon kay Capt. Elmer Bonilla, hepe ng Police Station 6, hindi napansin ng magulang na nagising ang biktima at gumapang hanggang sa nahulog siya sa timba.
Nadiskubre ng kanyang magulang ang insidente, bandang 2:00 ng madaling araw.
Ang tubig sa timba ay may kahalong oxalic, na iniulat na ginamit ng magulang ng biktima sa paglilinis.
Isinugod ang biktima sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital, ngunit dead on arrival na ito.

Glazyl Masculino