Robin, ipinagmalaki ang anak na ‘director’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

VERY proud father si Robin Padilla sa pag-graduate ng bunsong anak nila ng dating asawa niyang si Liezel Sicangco na si Zherileen Padilla, na sa Australia nag-aaral.

Robin, Zherileen, Liezel, at Ali copy

Ipinost ni Robin ang solo picture ng anak, at ang picture nila ni Zherileen kasama si Liezel at ang bunso nilang si Ali Padilla.

“Mga kababayan, My director Zherileen Padilla” caption ni Robin na nakangiti at kita ang pagmamalaki.

Filmmaking siguro ang tinapos ni Zherileen, at ang ganda siguro kung dumating ang araw na ididirehe mismo ni Zherileen ang ama at ang kapatid na si Kylie Padilla sa isang pelikula.

Nitz Miralles