Anita Linda, pararangalan ng FDCP

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BILANG bahagi ng pagdiriwang sa “Sandaan: Ika-Isang Daang Taon ng Philippine Cinema” at Mother’s Day, pararangalan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga kontribusyon sa industriya ng veteran actress na si Anita Linda, sa Sandaan: Dunong ng Isang Ina ngayong Linggo, 2:30 ng hapon, sa Cinematheque Centre Manila.

anita linda

Bibigyan si Anita ng achievement award para sa mga kontribusyon niya bilang isang artista at mentor sa film industry.

T a m p o k d i n s a Cinematheque ang “The Life of Anita Linda: An Exhibit”, na magtatanghal sa iba’t ibang yugto sa buhay ng aktres bilang artista, kabilang na rito ang tanyag niyang mga pelikula at pagganap, pati na rin ang memorabilia na kaugnay ng kanyang buhay at career.

“Anita Linda is truly a legend in the industry, and she has helped mold Philippine cinema through her contributions over the decades. She has been gifting us with her brilliant acting performances and has been serving as a pillar for generations,” sabi ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson- CEO Mary Liza Diño.

“Not only her many roles over the years, but also her guidance and mentorship behind the camera have empowered women and have given them the voice that promotes strength, g r a c e , a n d compassion.”

G u m a w a n g s a r i l i n g p a n g a l a n s i Anita, o Alice L a k e , s a ebolusyon niya mula sa pagiging romant ic lead actress n o o n g kabataan n i y a hanggang s a pagganap niya sa maternal o elderly roles, na umani ng critical acclaim.

Napanood din siya sa iba’t ibang Filipino films, gaya ng Presa ni Adolf Alix, Jr., Sisa at Ang Sawa sa Lumang Simboryo ni Gerardo de Leon, at Lola ni Brillante Mendoza.

Sa edad na 94, si Anita ang itinuturing na pinakamatandang aktibong aktres sa local film industry. Marso ngayong taon, ang pinagbidahan niyang pelikulang Circa ni Adolf Alix, Jr. ay nanalo ng White Light Post-Production Award sa Hong Kong-Asia Film Financing Film Forum (HAF).

Noong 2017, kinilala ng FDCP si Lily Monteverde bilang “Ina ng Pelikulang Pilipino” para sa kanyang commitment at impact sa Philippine movie industry sa loob ng maraming taon.

S a m a n t a l a , s i M a r i a Azucena Vera-Perez Maceda, o mas kilala bilang “Manay Ichu”, ay pinarangalan naman para sa kanyang kontribusyon s a f i l m i n d u s t r y s a event na “A Spotlight on Mothers of Philippine Cinema” noong 2018.

-MERCY LEJARDE