Aicelle, kinilalang Global Pinoy sa int’l achievements

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

AGAW-PANSIN ang ilang Kapuso stars na dumalo sa star-studded Mega Equality Ball recently.

aicelle

Scene-stealer as always ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa kanyang gold, sparkling, at off-shoulder gown na gawa ni Mark Bumgarner.

Head-turner din ang Bihag lead star na si Max Collins sa kaniyang pink gown mula sa designer na si Elize Padilla. Lumutang din ang ganda ng Glow Up host na si Thia Thomalla sa kanyang sequined and v-neck gown. Siyempre pa, hindi nagpahuli ang Global Pinoy Awardee na si Aicelle Santos sa kanyang gold gown!

Present din sa event ang Kapuso heartthrobs na sina Derrick Monasterio at Ruru Madrid. Nagsama-sama silang lahat para sa advocacy na magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang lahat ng Pilipino, regardless of gender, race, status, and beliefs.

Si Aicelle ang itinanghal na Global Pinoy Awardee sa nasabing Mega Ball.

Overwhelmed ang Kapuso artist dahil sa tinanggap niyang pagkilala sa kanyang mga international achievements, tulad ng pagganap niya sa role ni Gigi sa West End production na Miss Saigon, at ang pag-represent niya sa Pilipinas sa katatapos na Asian Culture Carnival sa Beijing, China.

Very proud and happy ang Studio 7 mainstay sa parangal na ito, at pinaghahandaan na nga niya ang pagpunta sa Vietnam next month para sa ASEAN Song Festival 2019

-MERCY LEJARDE