Wala nang gana

Filed under Dear Inang Mahal Balita RSS RSS Feed

Dear Manay Gina,

Ako ay 35 years old, at apat na taon nang kasal sa isang mabait na lalaki. Ang suliranin ko ay medyo personal. Tungkol ito sa aming sex life.

Napapansin ko kasi na hindi na ako “in the mood” pagdating sa bagay na yon. Dahil dito, minsan ay nagtatampo ang aking asawa at iniisip na hindi na ako attracted sa kanya. Pero hindi po ‘yon totoo. Hanggang ngayon ay naaakit ako sa kanya, pero parang wala po akong gana pagdating sa pagtatalik. Kinausap ko na ang aming doktor tungkol dito at wala namang nakitang diprensya sa akin. Kinakabahan ako na kapag hindi nabalik sa normal ang aking kundisyon, baka mawalan din siya ng gana sa akin.

Cheryl

Dear Cheryl,

Napakabata mo pa para mawalan ng gana sa pakikipagtalik, lalo na kung ang mister mo ay attractive naman at mabait. Dahil nagpatingin ka na sa mediko, at malinaw na wala ka namang dinaramdam, marahil ang dapat na susunod mong hakbang ay ang pagkunsulta sa isang psychotherapist. May pumipigil sa yong sex drive na kailangan mong malaman.

Ang totoo, despite what teenage boys think, ang gana sa sex ay nagmumula sa imahinasyon o pag-iisip.

Nagmamahal,

Manay Gina

“If people are truly, madly, deeply in love with each other, they will find a way.”—— Morrie Schwartz

Ipadala ang tanong sa dearmanaygina@yahoo.com

-Gina de Venecia