Vina, may bagong love life?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

VIRAL ang litratong ipinost ni Vina Morales na may caption na ‘#VMtravels’ kasama ang non-showbiz guy, na hindi niya pinangalanan, habang nasa Manhattan Beach, California sila.

vina morales

Sinundan pa ito ng mga litrato nilang dalawa na kasama ang kaanak ng lalaki.

Naunang nag-komento ang singer na si Zsa Zsa Padilla sa post ng ‘Uy’ na may heart emoticons.

Iginiit naman ni Ruffa na siya ang nagreto kina Vina at sa non-showbiz guy: ‘Girl, I’m Cupid!!’

Na sinundan ni Jo Agpangan ng, ‘Omgg’ at ni Erik Santos, ‘Iba!’.

Nag-viber kami kay Vina habang tinitipa namin ang balitang ito at tinanong namin kung ang kasama niyang guy sa sa litrato ay ang bago niyang boyfriend.

“I’m on the plane, ha, ha, ha, like him much, ha, ha, ha,” tanging sagot sa amin ng aktres.

Sinundan namin ng tanong kung doon ba (California) naka-base ang guy at kung ano ang work nito pero hindi na kami sinagot ni Vina kaya aabangan namin ang pagdating niya rito.

Base sa pagkakakilala namin kay Vina, hindi siya magsasabi ng ‘like him much’ kung hindi niya type ang guy.

-Reggee Bonoan