Via Ortega, ‘superstar in the making’ ng millennial era

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

FINALLY, na-meet na up close and personal ng Viva Recording Artist na si Via Ortega ang super singing idol niyang si Sarah Geronimo nu’ng i-launch ni Popster Sarah G. ang kanyang Pop Studio line of make-ups kamakailan lamang sa Kia Theater na dating New Frontier Cinema sa may Cubao, Quezon City.

via ortega

Medyo hawig ang fezlak ni Via kay Sarah G. kaya no wonder kung bakit naging inspirasyon niya ang Pop singer sa kanyang singing profession.

“Favorite ko po talaga si Ms. Sarah Geronimo lalo na sa pagkanta kaya po siguro ang ibinigay sa akin ni Boss Vic bilang unang single ko as Recording artist nila ay may titutlong ‘Paghanga’ kasi tunay ko po namang hinahangaan siya talaga,” sey ni Via nang tanungin kung bakit niya naging idol si Sarah G.

Sabi naman ni Boss Vic del Rosario nang pinapirma nito ng kontrata si Via bilang Viva Recording Artist nila: “Itong si Via ang aking bagong pambato ngayong 2019. Siya ang napipisil ko na magiging isa sa bagong superstar ng millenial generation.”

Parang Sarah Geronimo in the making?

“Ginagawa na. At mangyayari yon,” sagot nito.

Wow! Coming from the big boss of Viva Films and Viva Records na siyang naging tulay ni Sharon Cuneta para maging Megastar at ni Sarah Geronimo para maging Pop Singing Superstar at iba pang napasikat ni Boss Vic, well, that’s something big, huh!

Nito lang nakaraang Sabado, June 8, ay muling naging front act performer ni Sarah G. si Via sa Pop Studio Mall Tour niya sa Ayala Mall Felix sa may Pasig at dito ay muling nagka-usap up close and personal ang dalawa with matching photo ops on the side.

Amazed si Sarah sa singing voice at stage performance ni Via kaya hindi malayong gawin nang regular front act singer performer ng Viva Records ang Via sa mga singing stints here and abroad ni Popstar Sarah sooner than soon.

Lalo na ngayong may mga fans club na rin itong si Via called ViaNatics.

Well, harinawa nga ay magbibig-anghel si Boss Vic del Rosario sa pagsasabing si Via ang napipisil niyang pambato bilang bagong superstar this millennial era.

And slowly but surely, nakikita ni Yours Truly na makakamit ni Via ang pinapangarap niyang successful career, hindi lamang sa kanyang singing career, pati na rin sa acting dahil nagwo-work shop na rin siya sa Viva office.

Yes, tiya-tiyaga lang Via coz may kasabihan nga na kapag may tiyaga, may nilaga. Boom, ‘yun na!

-MERCY LEJARDE