Secret balloting sa Speakership — Panelo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Secret balloting sa Speakership — Panelo

SPEAKERSHIP (22)

Iminungkahi ng Malakanyang na idaan na lamang sa secret balloting ang pagpili ng susunod na House Speaker ng 18th Congress.

Binigyang-diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte upang maresolba ang usapin.

Ito aniya ay tugon lamang sa panawagan ni Senator Manny Pacquiao na dapat ang pangulo na lamang ang magdesisyon kung saan partido manggagaling ang itatalaga sa nasabing posisyon.

Nauna na ring ipinaliwanag ni Pacquiao na payag din siyang makausap si Duterte sa ikalulutas ng kontrobersiya.

Kahapon, muling nilinaw ni Panelo na pinanindigan ng pangulo na hindi makikialam sa panloob na problema ng House of Representatives.
“The President will not interfere,” ayon sa kanya.

Ipinayo rin nito sa PDP-Laban na dapat na kunin na lamang nito ang damdamin ng kanilang mga miyembro.

“What they should do, I think, the PDP-Laban, what they should do is to have a secret balloting and get the sentiments of the members. Who gets the highest, eh ‘di yun ang magiging manok nila,” dagdag pa ni Panelo.

-Argyll Cyrus B. Geducos