Ramirez, nakinig sa hinaing ng mga coach

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

NAKINIG sa mga hinaing ng mga national coaches ang hinarap ni Team Philippines Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez.

RAMIREZ: Handang tumugon sa pangangailangan ng National athletes.

RAMIREZ: Handang tumugon sa pangangailangan ng National athletes.

Hinarap ni Ramirez ang 150 national coaches upang personal na malaman ang kanilang paghahanda at pangangailangan para sa nalalapit na pagsabak ng National athletes sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

Personal na tinanggap ni Ramirez ang mga suhestyon at report ng mga coach mula sa 58 sports sa pagpupulong na ginanap sa Philsports Arena nitong Martes.

Ayon kay Ramirez, hindi malayong makamit ang  tagumpay kung magkakaisa ang buong Philippine Team sa kampanya ng bansa.

“If we are united, we can produce miracle in the Southeast Asian Games,” pahayag ni Ramirez.

Isa din umano sa may pinakamahalagang papel sa paghahandang ito ang mga trainers at coaches na siyang gumagabay sa mga atleta para magwagi sa kanilang laban.

“The greatest job of a coach is to inspire the champion in an athlete,” ayon pa sa bagong  CDM .

Pinangunahan naman ng mga  PSC Commissioners na sina  Arnold Agustin, Ramon Fernandez, Celia Kiram at Charles Maxey ang paghahati sa mga coaches sa kani-kanilang mga clusters.

Nauna dito ay nakipagpulong muna si Ramirez kina Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas at Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) chairman Allan Peter Cayetano, matapos niyang tanggapin ang puwesto bilang CDM ng koponan ng bansa. Annie Abad