P9-M cocaine, buking sa maleta ng Indonesian

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Mahigit isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P9 milyon ang nadiskubre sa maleta ng isang Indonesian na dumating sa Ninoy Aquino International Airport mula sa Qatar, nitong Miyerkules.

COKE

Hinarang ng mga customs agents ang mga kontrabando makaraang maalerto ang mga awtoridad sa maleta ni Agus Burhan, na ma-detect ang kahina-hinalang laman nito sa x-ray examination.

Isinailalim ang maleta sa 100-percent physical examination, at kabuuang 1.65 kilo ng cocaine ang natagpuan sa secret compartment ng maleta.

Sa patuloy na pagbusisi sa kontrabando, nakumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na cocaine nga iyon, at kaagad na nailipat ito sa kanilang pag-iingay.

Ayon sa Bureau of Customs (BoC), dumating sa bansa ang Indonesian sakay sa Qatar Airways flight QR932 mula sa Doha, bandang 5:00 ng hapon nitong Miyerkules.

Sinabi pa ng bureau na nahaharap si Burhan sa seryosong drug charges, dahil ang pagpapasok sa bansa ng ilegal na droga ay isang paglabag sa RA 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act; at RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act.

-Betheena Kae Unite