Kyline Alcantara, the quiet superstar

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI nagkamali ang GMA-7 sa pag-tap kay Kyline Alcantara bilang host ng “Inside Starstruck”, ang online component ng Starstruck Season 7 na mapapanood sa traditional channel.

Kyline

Pinakamaganda sa lahat ng young stars ang narrative o kuwento ng buhay ni Kyline. Imagine, siya ang pinakaunang na-eliminate nang sumali noon sa Star Circle Quest: The Search for the Next Kiddie Superstar noong 2010 (ang pinakahuling season) pero siya ngayon ang most popular sa lahat ng sumali sa naturang show.

Yes, mas kilala siya ngayon ng fans maging sa nanalo sa batch nila.

Napakalakas ng traction ni Kyline sa millennial fans na laging nakasubaybay sa kanyang social media accounts.

Walong taong gulang siya nang ma-reject sa Star Circle Quest. Pero ang maganda, kahit itinuturing niyang malakas na dagok iyon sa kanya ay hindi siya sumukong tuparin ang pangarap niyang maging artista.

Nabigyan pa rin siya ng assignments ng ABS-CBN sa Annaliza at Born For You.

Pero nagsimulang umangat ang pangalan ni Kyline nang lumipat siya sa GMA-7 at nang gumanap siya bilang main contravida sa Kambal Karibal.

Nasaksihan ko kung paano lamunin ng malalakas na sigawan at hiyawan ng fans niya ang fans ng ibang mga artistang kasama niya sa Kapuso provincial tours.

Maging sa lobby ng hotel, kitang-kita na pinakamarami ang fans niya na sumusunod sa lahat ng mga artista para makahalubilo siya sa malapitan.

Quiet superstar si Kyline, at deserving siya sa status na ito.

Bata pa, na-discover na ng Mommy Weng niya ang kanyang gift, laging umaarte sa salamin at mahilig magbihis. Natural si Kyline, ang tipo ng artista na kahit hindi mo bayaran, gagawin ang assignment nang higit pa sa nararapat dahil mahal niya ang ginagawa.

Pati pakikisalamuha sa kanyang Sunflowers, sa personal man o virtual, walang makakatalo.

Isinilang si Kyline para maging prinsesa ng online community, kaya nakatibag ng goldmine ang GMA-7 sa kanya.

Nauna nang nag-premiere ang “Inside Starstruck” last Monday, June 10 sa official YouTube channel ng show at sa June 15 naman magsisimula ang airing sa GMA-7.

Itinatampok ni Kyline araw-araw ang exclusive videos, episode highlights, at behind the scenes footage ng Starstruck 7, tuwing 6 PM.

Sey, ang reject ng Star Circle Quest, host ng original artista search. Kung hindi big success ang achievement ni Kyline, ewan ko kung ano ang dapat itawag dito.

-DINDO M. BALARES

  • MochoGarbo

    may malakas sa likod ni k. nagtataka ang mga iba. sino sila at bakit protectado si k. may kapalit ba or something involved commission. ang talent handler niya ang lumalakad na kasama ang isang reporter at isang nagiiterview sa network. bakita flop ang inagaw na bituin. halos 7 days nagtratrabaho ang batang iyan at iyong iba ay wala project. gusto pa idown ng talent handler si Pauline Bakit/