Diplomatic protest vs China, inihain

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas kaugnay ng pagkakalubog ng isang barkong pangisda na sinasakyan ng 22 Pinoy sa Reed Bank o Recto Bank sa West Philippine Sea, nitong nakaraang Linggo ng gabi.

CHINESE VESSEL (22)

“I fired off a diplomatic protest yesterday (Wednesday, June 12). The Maritime Safety Committee of the IMO (International Maritime Organization) is it,” sabi ni Locsin sa kanyang Tweet, kahapon ng tanghali.

“Sonny (Trillanes), that I will proceed on the merits of the case and what it calls for while the matter is studied by the IMO. Even our ally failed us in Scarborough, remember?” ang tugon naman ni Locsin sa Twitter post ni Senator Antonio Trillanes IV na nananawagan sa pamahalaan na idulog ang kaso sa IMO kung saan parehong miyembro ang Pilipinas at China

Ang IMO ay isang specialized agency ng United Nations at ang pangunahing trabaho nito ay maglagay ng global standard authority para sa kaligtasan, seguridad, at environmental performance ng international shipping.

Sa pahayag ni Locsin nitong Miyerkules ng gabi, binanggit nito na hihintayin muna nito ang West PH Task Force na makapagbigay ng mga impormasyon kaugnay ng insidente bago ito magsampa ng protesta.

Si Locsin ay nagtungo sa Geneva nitong Miyerkules at naiulat na nasa himpapawid pa ito nang lumabas ang ulat kaugnay ng pagkakalubog ng isang Filipino fishing vessels West Philippine Sea.

Inilahad din ni Locsin na “allision” ang nangyari at hindi isang banggaan.

“Wrong. It’s presumably an ‘allision’ or bumping of two vessels one of which was stationary. Ramming is another thing altogether requiring proof of intentionality. So far as I know none of us is a mind reader not least because some of us have no mind with which to read another,” paliwanag ni Locsin sa kanyang Tweet post.

Nitong Miyerkules, binatikos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang insidente at sinabing hihilingin nito na magkaroon ng formal investigation, bukod pa ang diplomatic actions ng pamahalaan upang hindi na maulit ito.

Sinabi naman ng Malakanyang na isang ‘barbaric’ at hindi makatao’ ang insidente.

“The act of abandonment, by those sailing the Chinese fishing vessel of twenty-two ( 22 ) Filipino fishermen aboard their anchored and stationary watercraft hit by them, is uncivilized as it is outrageous,” sabi nito.

Ayon  sa kanya, dapat inuna ng mga Chinese ang pagsagip sa mga Pinoy.

“Regardless of the nature of the collision, whether it was accidental or intentional, common decency and the dictates of humanity require the immediate saving of the crew of the Filipino fishing vessel,” sabi nito.

Pinasalamatan din nito ang isang Vietnamese vessel na sumagip sa nasabing mga mangingisda.
Hinihintay naman ng Philippine Coast Guard ang magiging testimonya ang 22 na mangingisda bago nila simulan ang imbestigasyon sa insidente.

Sinabi ni Captain Armand Balilo, spokesman ng PCG, inaalam na nila ang mga dumaang barko sa Recto Bank nitong Hunyo 9.

Pagpapakita lamang ng patuloy na pambu-bully ng China sa Pilipinas ang nasabing insidente.

Ito naman ang naging pahayag ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes at sinabing walang respeto ang mga Chinese sa teritoryo ng bansa at sa buhay ng mga Pinoy.

“Yet, Duterte sees nothing wrong with China!” sabi pa nito.

-Roy Mabasa, Argyll Cyrus B. Geducos,  Betheena Kae Unite, at Leslie Ann G. Aquino