Caretaker, tinamaan ng kidlat

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Isang lalaking pinaniniwalaang tinamaan ng kidlat ang natagpuan sa bukid sa Barangay Quezon, San Isidro, Isabela, nitong Miyerkules ng hapon.

KIDLAT (22)

Dead on the spot si Balbino dela Cruz, ng nabanggit na lugar, dahil na rin sa pagkasunog ng hita nito.

Sa police report, bago ang insidente ay biglang bumuhos ang malakas na ulan sa lugar.

Nagkataon na nasa palayan pa si dela Cruz ngunit sumilong ito sa isang puno ngunit biglang kumidlat at tinamaan ito na naging sanhi ng pagkasawi nito.

-Liezle Basa Iñigo