2 baby, 4 pa duguan sa karambola

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Sugatan ang anim na katao, kabilang ang dalawang sanggol, makaraang magsalpukan ang limang sasakyan sa Taguig City, nitong Miyerkules.

BABY_ONLINE

Isinugod ang mga biktima, na pawang hindi pa pinapangalanan, sa Taguig Pateros Hospital.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naganap ang aksidente sa C-5 Mckinley southbound service road, sa Taguig City, dakong 8:10 ng gabi.

Sa ulat, sangkot sa karambola ang dalawang taxi, isang van, at dalawang truck.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nawalan ng preno ang isa sa mga truck at nasalpok ang isa sa mga taxi, na pumailalim at ikinasugat ng mga biktima, hanggang sa nadamay ang tatlo pang sasakyan.

Hawak ng mga pulis ang driver ng truck, na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries and damage to properties.

-Bella Gamotea