Pulis-Cebu, 4 pa, timbog sa droga

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Arestado ang isang pulis at apat na sibilyan sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Cebu City, nitong Biyernes ng gabi.

CEBU

Sinabi ng Cebu City Police Office (CCPO) na unang nadakip si Corporal Rogelio Atillo, nakatalaga sa Labangon Police Headquarters-Drug Enforcement Unit, matapos salakayin ang hideout niya sa Sitio Caimito, Bgy. Basak Pardo, ng nabanggit na lungsod, dakong 6:00 ng gabi.
Nasamsam umano sa kanya ang 25 gramong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170,000, at nabawi rin ang P27,000 cash na pinaniniwalang pinagbentahan ng illegal drugs.
Kinumpiska rin ang service firearms ng pulis na isang Gloc 17 pistol.
Apat pang suspek ang natimbog ng pulisya sa mga barangay ng Pusok at Buaya, Lapu-Lapu City.
Kabilang sa apat na suspek ang isang dating sundalo na nasamsaman ng tatlong gramo ng ilegal na droga.
Sasampahan ang lima ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Fer Taboy