Male singer, laging lugi sa negosyo

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MUKHANG walang suwerte sa negosyo ang isang male singer, dahil halos lahat ng pasukin niya ay nalugi.

Kamakailan ay nagtayo ng restaurant ang male singer, na sa simula ay pumatok dahil nga bago at nalaman na ang nasabing personalidad ang may-ari nito.

“’Yung kaibigan ko, halos gabi-gabi ay kumakain doon, hoping na may makitang artista, e, waley naman,” tsika ng aming source.

P e r o h a b a n g bumibilang ng mga araw ang restaurant ay bilang na rin kung iilan na lang ang kumakain sa resto ng male singer.

“Ang laki ng nalugi niya (male singer), ilang milyones din ‘yun, sandali lang,” sabi pa sa amin ng source.

‘Tila wala namang kadala-dala ang male singer, dahil nalugi na nga siya sa restaurant na itinayo niya ay muli siyang nagtayo ng kainan, na iba naman ang dishes, pero tulad sa nauna, hindi pa rin nag-click.

“Hayun, nadagdagan siyempre ang lugi niya. Hindi kasi niya natututukan ang negosyo niya, kasi marami rin namang raket ang lolo mo,“ kaswal na tsika pa sa amin.

Kaliwa’t kanan ang singing engagements ng male singer, kaya masasabing ang lakas niyang kumita, na ini-invest naman niya sa dalawang restaurants, pero parang bulang nawala ang mga ito.

Kaya as of now, wala nang negosyo ang male singer at waiting na lang siya sa bahay nila kapag wala siyang ganap.

-Reggee Bonoan