Cejudo vs Moraes sa UFC 238

Filed under UFC Balita RSS RSS Feed

MATUNTUNGHAYAN ang pinakaaabangang duwelo sa pagitan nina Henry Cejudo at Marlon Moraes sa UFC Bantamweight Championship bukas (Hunyo 9) sa United Center sa Chicago Illinois.

fox

Nakataya ang bakanteng UFC Bantamweight title sa laban ng dalawang itinuturing pinakamahusay na bantam fighters sa mundo.

Kasalukuyang #4 bilang UFC pound-for-pound king, hindi matatawaran ang husay at tagumpay ni Cejudo, tampok ang Olympic freestyle wrestling gold medal at naging UFC Flyweight Champion nang gapiin si top pound-for-pound fighter Demetrious Johnson.

Nagawa niyang maidepensa ang titulo kay TJ Dillashaw, isang bantamweight elite, na ginawa niya ng wala pang isang minuto.

Bago naging regular UFC fighter, ginaoi ni Cejudo sina Dustin Kimura, Chris Cariaso, at Chico Camus.

Hindi naman nalalayo ang dating World Series of Fighting Bantamweight Champion na si Moraes, kasalukuyang #1 sa UFC Bantamweight rankings.

“It’s the chance to show to everybody and prove one more time where I belong. I think I proved to everyone I’m the No. 1 contender right now,” pahayag ni Moraes. “I’m getting this shot and I got the keys. I got the keys, I got the tools. The preparation couldn’t be better. I feel better than ever. Weight is good. It’s just a matter of time. Go out there next week, perform, perform well and finish Henry Cejudo.”

Mapapanood ang aksiyon sa UFC 238 live sa FOX+ ngayong linggo.