Mag-asawa, kinatay ng pastor

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Handa na ang kasong double murder at frustrated murder laban sa isang pastor na nanaga ng mag-asawa at ikinasugat ng kapitbahay nito sa Jose Abad Santos, Davao Occidental, iniulat ngayong Biyernes.

PASTOR_ONLINE

Sa naantalang report ng Jose Abad Santos Municipal Police Station (JASMPS), pinagtataga ni Ojil Lakina, taga-Sitio Gasi, Barangay Marabatuan, Jose Abad Santos, ang kanyang anak-anakan na si Marimar Muntad, nasa hustong gulang; at mister nitong si Gener Muntad, nasa hustong gulang, nitong Lunes ng umaga.

May bitbit na itak ang pastor nang kausapin si Marimar, ngunit hindi umano nagkasundo ang dalawa kaya nauwi sa pananaksak, bandang 7:00 ng umaga.

Sinaklolohan ni Gener si Marimar, ngunit maging siya ay pinagtataga ng pastor.

Hindi pa nakuntento, hinabol din nito ng itak ang mga kapitbahay, at isa ang nasugatan, na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Nang mahimasmasan, sumuko si Lakina sa mga tauhan ng Jose Abad Santos PNP.

-Fer Taboy